Isang Liham Na Nais Kong Mabasa Mo Kapag Narating Natin Ang Dulo

Sana ikaw yung tipo na pang-hanggang dulo
Sana kahit na malayo ako sa inaakala mo, matanggap mo pa rin ako

Sana sa tuwing magkasama tayo, hinihiling mo na sana hindi na ako mawala sa tabi mo 

At sana ay araw-araw nalang tayong ganito.

Ngunit, mahal, nagbabago ang ihip ng hangin at ang ikot ng mundo.

Maaaring pumayag sa atin ang mga pangyayari ngunit hindi ang tadhana.

Mamahalin mo ako sa una at pagsasawaan sa huli.

Yayakapin mo ako sa una at pakakawalan sa huli.

Dahil, mahal, hindi tayo permanente.

Darating ang araw na hindi na ako ang gugustuhin mong makita sa unang pagmulat pa lamang ng iyong mga mata sa umaga.

Darating ang araw na hindi na ako ang gugustuhin mong makasama sa pagtanda.

Kung ako ay may hihilingin na sana, hihilingin ko na sana ay huwag kang magsasawa.

Dahil kung ayaw mo na ay ayokong pahirapan ka pa sa isang sitwasyong naiipit ka.

Ayokong maging makasarili, mahal.

Ayokong nabubuhay ako na ayaw mo na sa akin dahil may gusto kang iba. 

Ayokong habang ako’y tumitingin sa’yo at titingin ka pabalik sa akin ay iisipin na ako, ako ang minamahal mo. 

Ayoko.

Ayoko dahil malalaman at malalaman ko rin na hindi na ako ang mahal mo. 

Na lahat ng kinagisnan ko na mga gawi mo ay bigla nalang maglalaho dahil hindi na ako ang iminumungkahi ng puso.

Magwika ka at palalayain kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s